(Note: As an assignment, we have to write a short story for Valentine’s Day. This is my entry to the contest. This is in Filipino because we’re required to write it in the said language.)
Suot ang aking puting kamisadentro at salawal, naglakad-lakad ako ng nakayapak sa aplaya habang pinapahid ng malamig na alon ang aking mga paa. Tanaw mula sa aking kinalalagyan ang dalawang tagak na tila’y naglalaro sa paligid ng parola habang pasikat naman ang araw sa kagiliran. Pumukaw sa aking pansin ang dalawang talangka sa maputing buhangin na parang magkasintahang naghahabulan sa dalampasigan kagaya ng eksena sa paborito kong pelikula, yun nga lang tagilid silang tumakbo. Sinundan ko sila kahit saan sila magpunta hanggang nakahanap sila ng hukay at doon na nagtago. Umupo na lang ako at pinagmasdan ang mga bankang naglalayag sa di kalayuan. Read more »
Filed under: Love Story, writing | Tagged: Love Story, tragedy | Leave a Comment »
